Muling nagpulong ang mga opisyal at miyembro ng Quezon City Food Security Task Force (QC FSTF) ukol sa mga proyekto para maisakatuparan at mapaigting ang pagpapabuti ng food systems sa lungsod.

Prayoridad ng lokal na pamahalaan ang abot-kaya, sariwa, sapat at ligtas na pagkain at nutrisyon ang mga residente sa QC.

Kabilang dito ang GrowQC-Kadiwa Stores sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture, na naglalayong maghatid ng mababang presyo ng prutas, gulay, karne at iba pang locally-sourced products na direkta mula sa mga magsasaka sa probinsya at mula ating urban farmers.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Quezon City Government sa iba-ibang lungsod sa loob at labas ng bansa. Noong Oktubre, lumagda sa kasunduan ang ating lokal na pamahalaan upang maging bahagi ng Milan Urban Food Policy Pact (MUFPP) sa 8th MUFPP Global Forum sa Rio de Janeiro, Brazil. Sa pamamagitan nito, makatatanggap ang ating lungsod ng suporta upang mapaunlad ang food security program ng QC.

Present sa pagpupulong sina Barangay Community Relations Department (BCRD) head Mr. Ricky Corpuz, City Planning and Development Department head Ar. Sonny P. Rodriguez, Jr., Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head Ms. Mona Celine Yap, Quezon City University President Dr. Teresita Atienza, Joy of Urban Farming Project Lead Ms. Cristina Perez, QC Food Security Task Force Co-Chairperson Mr. Emmanuel Hugh Velasco, QC-FSTF secretariat mula sa Sustainable Development Affairs Unit, at mga kinatawan ng iba-ibang departamento ng lokal na pamahalaan.