ICYMI: Isinagawa noong January 13, 2024 ang kauna-unahang Quezon City Football/Futsal Summit sa Executive Lounge ng QC Hall.
Pinangunahan ito nina Assistant City Administrator for General Affairs, Atty. Rene S. Grapilon, Councilor Vito Sotto Generoso, at Mr. Danne Ramos, na Football/Futsal Coordinator mula sa Sports Development Office ng Office of the Vice Mayor.
Isa sa pangunahing paksang pinag-usapan ay ang plano ng Lokal na Pamahalaan na isulong ang sports na football/futsal at mga pamamaraan para itaguyod pa ang sports sa lungsod.
Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan mula sa Football at Futsal National Team na sina coaches Anto Gonzales, Jeoff Lobaton, Ebong Joson, at Red Avelino, Fair Play Foundation, Sporting QC, Athletico Diliman, Claret, Beach Hut, QC Schools Division Office, Gawad Kalinga, Moran Foundation, University of the Philippines, Ateneo de Manila University Blueguards, 7s, at Emperyan Club. Dumalo rin ang ilang opisyal at kinatawan mula sa QC Government.