Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Dito sa Quezon City, buhay na buhay ang sining at edukasyon! ![]()
ICYMI: Kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Quezon City bilang Creative City of Film.
Napili rin ang lungsod bilang isa sa mga pilot city for Media and Information Literacy Cities collaborating with UNESCO sa Asia-Pacific. Nabigyan ng pagkakataon ang lokal na pamahalaan para ibahagi ang mga paraan at insyatiba ng lungsod para sa media and information literacy.
Ang mga karangalang ito ay nagpapatunay sa puspusang pagpupunyagi sa pagpapabuti at paglinang ng sining, pelikula, at edukasyon sa lungsod. Patuloy nating lilinangin ang ating kultura para sa mas malikhain at makabagong Lungsod Quezon.







