Congratulations, Quezon City General Hospital and Medical Center (QCGHMC)!

Kinilala ng Philippine Hospital Association (PHA) ang QCGHMC bilang pinakamahusay na Level 3 Hospital sa buong Pilipinas sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mga healthcare worker mula sa anumang uri ng impeksyon sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Tinanggap nina QCGHMC Director Dr. Josephine Sabando, Infection Control Committee Head Dr. Armin Masbang, at Infection Control Nurse Ms. Almira Gabriel ang Best in Management of Infection Prevention and Control Among Healthcare Workers award sa 73rd Annual National Convention and Exhibits ng PHA sa Manila Hotel.

Noong nagsimula ang pandemya, agad na in-activate ng QCGHMC ang Incident Command System ng ospital na siyang namahala sa mga healthcare worker at kanilang pamilya para masiguro ang kanilang kaligtasan.

Lubos din ang naging suporta ng lokal na pamahalaan at ng QCGHMC para maging safe at protektado ang bawat HCW sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga angkop na equipment; istriktong pagsunod sa mga protocol ng DOH, IATF at iba pang organisasyon; at pagkakaroon ng psychological debriefing tuwing matatapos ang duty ng HCWs. Itinaas din ng QC ang sweldo at nagbigay ng allowances sa mga doctor, nurse, at mga institutional worker.

Naglaan din ang QC ng hotel na nagsilbing quarantine facility para sa mga HCW na nagpositibo sa COVID o nagka-quarantine matapos ang kanilang duty sa COVID area. Tuloy-tuloy din silang binibigyan ng sapat at napapanahong kaalaman tungkol sa COVID-19 at iba pang sakit.