Nakipagtulungan ang Quezon City Government sa United Nations Office for Project Services (UNOPS) para maisulong ang road safety sa lungsod.
Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kina UNOPS Country Manager Oscar Ruiz at UNOPS Senior Road Safety Specialist Miguel-Angel Santos ang mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pagsisiguro ng ligtas na lansangan para sa lahat, tulad ng Road Safety Code.
Upang masigurong inklusibo ang bawat programa sa road safety, bubuo ng isang multisectoral mechanism para sa mga komyuter, pedestrian, motorista, pamahalaan, pribadong sektor at NGO . Isasailalim din sa pagsasanay sa road safety audit ang ilan sa mga kawani ng lungsod.