Pormal nang inilunsad ng Quezon City Government at sustainable housing startup BillionBricks ang unang bahay sa Pilipinas na fully environment-friendly at net-zero.
Ang 49-square meter model house, na kalaunan ay magiging daycare center sa Barangay Bagong Silangan, ay gumagamit ng makabagong teknolohiya (PowerShade Technology) na kayang mag-produce ng kuryente na kailangan ng gusali.
Resilient o matibay din ang bahay na kayang harapin ang anumang kalamidad, gaya ng bagyo at lindol.
Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa isinagawang ceremonial ribbon-cutting ng istruktura si BillionBricks Co-Founder and CEO Prasoon Kumar, at iba pang executives ng BillionBricks.
Patuloy na makikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa organisasyon para makabuo at makagawa ng proyektong pabahay na makakalikasan at abot-kaya para sa mga QCitizen.