Patuloy ang maagap na aksyon ng lokal na pamahalaan upang mabigyang serbisyo ang QCitizens na naapektuhan ng bagyong #CarinaPH sa Lungsod Quezon.
Maghapong tinutukan ni Mayor Joy Belmonte ang isinasagawang rescue at evacuation efforts ng lokal na pamahalaan, upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Higit na sa 9,630 na mga pamilya, na binubuo ng 31,851 na mga indibidwal mula sa 82 barangays ang narescue at kasalukuyang nasa 168 evacuation centers as of 4:00 PM.
Para sa mga may kailangan ng kaukulang tulong, maaring tumawag sa QC Helpline 122 o magpadala ng mensahe sa Facebook page ng Quezon City Government.