Para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa paggunita ng Undas, nag-deploy ang Quezon City Government ng mga tauhan sa mga pampubliko at pribadong sementeryo, bus terminals at iba pang matataong lugar sa lungsod.

Mahigit sa 4,700 na tauhan mula QCPD, at 2,000 tauhan mula sa Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, Barangay Public Order and Safety Officers, QC Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City, Market Development and Administration Department, Traffic and Transport Management Department, at Bureau of Fire Protection ang itatalaga sa iba-ibang lugar sa lungsod.

Magpapakalat din ng mga traffic enforcer ang TTMD para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa mga lugar na malapit sa mga sementeryo, columbaria, malls, MRT/LRT stations, at transport terminals.

+15