Muling ginawaran ng Unmodified Opinion ng Commission on Audit (COA) ang Quezon City Government sa ika-anim na sunod na taon.
Pinatutunayan ng tagumpay na ito na patuloy na sumusunod ang lungsod sa pinakamataas na pamantayan ng financial accountability at transparency, kasabay ng mahusay na paggamit ng pondo para sa kapakanan ng mga QCitizen.
Ipinagmamalaki ni Mayor Joy Belmonte ang pagkilala, na ayon sa kanya ay bunga ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na gawing mas efficient, moderno, at digital ang mga serbisyo ng QC habang pinatitibay ang mga mekanismo laban sa korapsyon.
Tinanggap nina Mayor Joy, City Administrator Michael Alimurung, at Internal Audit Service Head Atty. Noel Gascon ang COA report mula kay COA – QC Supervising Auditor Nick Zamoras.
Muling ipinapakita ng Quezon City na sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pamamahala, mas maraming programa at serbisyo ang naihahatid sa bawat mamamayan.









