Bagamat mangilan-ngilan na lamang ang bumibisita sa mga sementeryo ngayong araw, patuloy pa ring nakaantabay ang iba-ibang ahensya ng lokal na pamahalaan upang matiyak na maayos at mapayapang magtatapos ang paggunita ng undas sa Lungsod Quezon.

Kabilang dito ang emergency response teams ng DRRMO.

Maraming salamat din sa Traffic and Transport Management Department (TTMD), QC Police District, Department of Public Order and Safety, Task Force Disiplina, Barangay Public Order and Safety Officers, QC Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City, Market Development and Administration Department, at Bureau of Fire Protection sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng ating mga QCitizen ngayong #Undas2024.

+2