Personal na kinumusta nina Mayor Joy Belmonte at Secretary of the Interior and Local Government Benhur Abalos ang kalagayan ng evacuees sa four-storey evacuation site ng Barangay Bagong Silangan.

Kinakalinga at inaasikaso ng Quezon City Government ang mga pamilyang pansamantalang namamalagi sa aabot sa 12 evacuation sites sa barangay.

Binibigyan sila ng relief packs, hygiene kits, at hot meals. Mayroon ding nakaantabay na doktor para agad na maasikaso ang mga residenteng kinakailangan ng atensyong medikal.

Binisita rin ni Mayor Joy, kasama sina Coun. Dave Valmocina, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at Bagong Silangan Chairperson Willy Cara, ang mga residenteng pansamantalang nanunuluyan sa Bagong Silangan Elementary School.

Sa ngayon, mahigpit na nakaantabay ang QC Disaster Risk Reduction and Management Council para agad na magserbisyo at magrescue sa mga nangangailangang QCitizen.

+17