Umabot sa 119 pamilya ang apektado ng pagbaha sa Barangay East Kamias sa District 3 kaya agad nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan.
Nabigyan ng food packs at iba pang pangangailangan ang mga pamilyang kasalukuyang namamalagi sa evacuation site.
Patuloy ang pag-antabay ng QC Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC) upang magbigay ng agarang tulong sa mga QCitizen.