Patuloy ang pagkalinga ng Quezon City Government sa mga QCitizen na lumikas dahil sa pagbahang dulot ng Habagat at Supertyphoon #CarinaPH.

Nagbigay ng relief packs at hygiene kits ang lokal na pamahalaan sa 75 pamilyang nasa evacuation center sa Barangay Quirino 2-A sa District 3.

Mayroon ding mga gamot at vitamins na available para sa mga residente sa center. Naghahain din ng hot meals ang mga social worker para sa evacuees.

Nakabantay 24/7 ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) para umalalay sa mga mamamayan na kailangan ng agarang tulong.

+7