Congratulations, QC!
Itinanghal bilang HALL OF FAMER ang Quezon City Government para sa Electronic New Government Accounting System (eNGAS) User Entity Award at eNGAS Collaborator/Contributor Award sa ginanap na 16th Annual National Convention ng Government Financial Management Innovators Circle (GFMIC), Inc.
Ito’y bilang pagkilala sa aktibong pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa Commission on Audit (COA) para mas maging efficient pa ang kabuuang sistema ng eNGAS.
Ang eNGAS ay isang software na binuo ng COA na nag-automate sa financial processes ng pamahalaan. Tinitiyak nito ang transparency, accountability, at efficiency sa lahat ng financial records at reports ng gobyerno.
Kinilala rin ang QC government bilang Outstanding eNGAS User Entity dahil sa maagap nitong pagsusumite ng financial documents at statements na malinis at walang pagkakamali.






