Hall of Famer ang Quezon City Government sa eNGAS & eBudget System Awards sa ginanap na 16th Annual National Convention ng Government Financial Management Innovators Circle (GFMIC), Inc!
Ang eNGAS o Electronic New Government Accounting System ay isang software na binuo ng Commission on Audit (COA) na nag-automate sa financial processes ng pamahalaan. Tinitiyak nito ang transparency, accountability, at efficiency sa lahat ng financial records at reports ng gobyerno.
Kinilala ng GFMIC ang QC Government bilang Hall of Famer at Outstanding eNGAS User Entity dahil sa maagap nitong pagsa-submit ng financial documents at statements na malinis at walang pagkakamali.
Recipient din ang lungsod ng Hall of Famer at eNGAS Collaborator/Contributor Award dahil sa aktibo nitong pakikipagtulungan sa COA para mas maging efficient pa ang kabuuang sistema ng eNGAS.








