TULONG PARA SA CEBU ![]()
Nagtungo ang relief team ng Quezon City Government sa Bogo City bilang bahagi ng humanitarian relief efforts para sa mga naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol noong Martes.
Kasama sa delegasyon ang mga kinatawan mula sa QC Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Engineering, City Health Department, at Department of Building Official.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang composite team upang makapaghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.
Kabilang dito ang Rapid Disaster Assessment and Needs Analysis (RDANA) at psychosocial interventions para matiyak na agad na natatanggap ng mga residente ang kinakailangang suporta at agarang tulong.








