QCitizens, suportahan natin ang Community-Based Monitoring System (CBMS)!
Kaisa ang Quezon City Government sa isasagawang 2024 Census of Population and Community-Based Monitoring System (POPCEN-CBMS) ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa bawat barangay sa lungsod.
Ang partisipasyon ng bawat isa sa atin ay mahalaga, dahil ang makakalap na datos ng POPCEN-CBMS ay makatutulong sa paggawa ng mga epektibong polisiya at programa para sa mamamayang Pilipino.
Ito rin ang magiging batayan ng LGUs at concerned government agencies upang mas mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa vulnerable sectors ng ating lipunan.
Magsisimula ang door-to-door survey o census sa July 15, 2024. Aasahan namin ang inyong lubos na kooperasyon, QCitizens!