Malugod na tinanggap ng QC government si former Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall kasabay ng flag raising ceremony ngayong Lunes.
Inilatag ng dating senador ang mga napagtagumpayan ng lungsod pagdating sa mabuting pamamahala, mula pa noong siya ay naging ikalawang punong lungsod noong 1988 hanggang 1992.
Pinuri niya din ang mahusay na pamamalakad ng pamahalaang lungsod sa kasalukuyan, sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.