#WALANGPASOK | Alinsunod sa anunsyo ng Malacañang, suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng Quezon City Hall ngayong Miyerkules, October 23, 2024, dahil sa inaasahang sama ng panahon bunsod ng Bagyong #KristinePH.

Mananatili namang may pasok ang mga naghahatid ng serbisyong medikal, law enforcement, traffic management, disaster at emergency response, at iba pang essential services.

Ang suspensyon ng operasyon o pasok sa mga pribadong opisina o kumpanya ay nakasalalay sa pagpapasya ng kanilang pamunuan.

Mag-ingat po tayong lahat, QCitizens!

Source:

Presidential Communications Office

https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=957763993042994&id=100064282075832&rdid=K7YOr3ET8sgZ7VCv