Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Let the games begin!
Pormal nang sinimulan ang Quezon City Hall Employees Athletic Association (QCHEAA) Sportsfest kahapon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng sportsfest sa pagsisiguro ng kapakanan ng mga empleyado.
Sa pamamagitan ng QCHEAA Sportsfest, mag-eenjoy, magpapapawis, at magkakaroon ng pagkakataon ang mga kawani na makipaghalubilo sa kapwa nila empleyado mula sa ibang opisina.
Pinaalala rin ng alkalde na ang bawat sports event ay friendly competition lamang na mas magpapatatag pa ng pagkakabuklod-buklod ng buong QC Hall.










