Agad na lumikas ang mga kawani ng pamahalaang lungsod matapos ang Intensity III na lindol sa QC bandang 12:17 ng tanghali ngayong araw.
Nagsagawa naman ang QC Disaster Risk Reduction and Management Council ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) upang masiguro na ligtas ang mga gusali sa QC Hall matapos ang pagyanig.
Idineklara nang ligtas bumalik sa kanilang mga opisina ang mga empleyado matapos ang assessment ng QC DRRMO at QC Engineering Department.




