Agad na lumikas ang mga kawani ng Quezon City Hall matapos maramdaman ang pagyanig ng intensity 4 na lindol bandang 10:19 ng umaga ngayong araw.
Nag-deploy ng mga team ang QC Disaster Risk Reduction and Management Council para sa Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) upang masiguro na ligtas ang mga gusali matapos ang pagyanig.
Idineklara nang ligtas bumalik sa ilang mga opisina ang mga empleyado ng QC Hall bandang 10:59 ng umaga ayon na rin sa direktiba ng QC DRRMO, QC Engineering Department, at QC Department of the Building Official.
Base sa assessment ng QC DRRMO, naging maayos ang pag-evacuate ng mga kawani at publiko. Hinihikayat din ang paghahanda at pakikiisa ng lahat sa quarterly earthquake drill na isinasagawa sa QC Hall.