Malugod na bumati si Mayor Joy Belmonte sa mga kawani ng pamahalaang lungsod kasabay ng unang flag raising ceremony sa Quezon City Hall ngayong 2025.
Hinimok niya ang mga kawani na magsilbing inspirasyon at mabuting ehemplo sa kanilang pamilya at komunidad.
Makakaasa rin ang QCitizens na pag-iigihan pa ng pamahalaan ang paghahatid ng maayos at de-kalidad na serbisyo para sa mamamayan.
Nakiisa sa seremonya sina Vice Mayor Gian Sotto, City Administrator Michael Alimurung, mga konsehal, at city department heads.