Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa unang Lunes ng 2026, sama-samang dumalo sa flag-raising ceremony ang mga opisyal at kawani ng Quezon City Government.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang lahat ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan na naging bahagi ng tagumpay ng QC noong 2025.
Hinikayat niya rin ang lahat, kabilang ang mga opisyal, na ipagpatuloy ang mga nasimulan para maitaas pa ang antas ng pamumuhay at masiguro ang kapakanan ng bawat QCitizen.








