Nakikiisa ang Quezon City Government sa selebrasyon ng bansa sa Arbor Day!

Nagpailaw ng hugis puno ang Quezon City Hall highrise building, na simbolo at paalala kung gaano kahalaga ang pagtatanim ng puno sa pangangalaga ng kalikasan, at pagtugon sa epekto ng climate change.

Bukas, gugunitain ng mga kawani ng lungsod ang Arbor Day sa pamamagitan ng sama-samang pagtatanim ng bamboo saplings sa New Greenland Farm, Brgy. Bagong Silangan.

Ang mga puno ng kawayan ay nakakatulong sa pagpigil sa baha, at nakakabawas din ng greenhouse gas emission.

Ang Arbor Day ay ginugunita tuwing ika-25 ng Hunyo, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 643 at Republic Act No. 10176.”

+4