#WALANGPASOK | Batay sa rekomendasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay ng inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong “Kristine”, sinuspinde ni Mayor Joy Belmonte ang pasok sa mga opisina ng lokal na pamahalaan ng Quezon City bukas, October 25, 2024 (Biyernes).

Patuloy namang kikilos ang mga maghahatid ng serbisyong medikal, law enforcement, traffic management, disaster at emergency response, at iba pang essential services.

Ipinauubaya rin sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya at opisina ang desisyon kung sususpendihin ang kanilang mga operasyon.

Mag-ingat po tayong lahat, QCitizens!