#WALANGPASOK | Batay sa rekomendasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay ng inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong #KristinePH, at upang makatulong sa rescue at relief operations ng Pamahalaang Lungsod sa mga lugar na posibleng babahain at mga apektadong barangay, sinuspinde ni Mayor Joy Belmonte ang pasok sa mga opisina ng lokal na pamahalaan ng Quezon City bukas, October 24, 2024 (Huwebes).
Patuloy namang kikilos ang mga maghahatid ng serbisyong medikal, law enforcement, traffic management, disaster at emergency response, at iba pang essential services.
Ipinauubaya rin sa pamunuan ng mga pribadong kumpanya at opisina ang desisyon kung sususpendihin ang kanilang mga operasyon.
Mag-ingat po tayong lahat, QCitizens!