QCitizens, kung masama ang inyong pakiramdam, pwede pa ring magtungo sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.
Bukas ang 66 na health center sa Quezon City, mula 8AM hanggang 5PM.
Libre ang konsultasyon dito, at maaari ring makakuha ng mga kinakailangang gamot tulad ng maintenance medicine, at Doxycycline para sa mga residenteng hindi naiwasang lumusong sa baha.



