Nakiisa ang QCitizen moms sa isinagawang milk-letting activity ng Quezon City Health Department at QC Human Milk Bank sa Payatas B Health Center kaninang umaga.

Halos 50 mommies ang nag-donate ng kanilang gatas, na mapapakinabangan ng mga batang may sakit o nangangailangan ng human milk.

Bawat donor ay sumasailalim sa libreng screening, HIV test, at Hepa B test. Nagkaroon din sa immunization para sa mga baby.

Bukas, magkakaroon muli ng milk-letting activity sa Gulod Health Center.

Ang programa ay bahagi ng Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat (LAB for All) program na pakikiisa sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

#HBDPBBM

#LABForAll

#BagongPilipinas

+6