Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Congratulations, Quezon City Health Department!
Nagkamit ng dalawang parangal ang QCHD para sa mga programa at polisiya ng lungsod na tumutugon sa kalusugan at kapakanan ng QCitizens.
Iginawad sa lungsod ang “Transforming Food Environments: Addressing Policy, Market and Urban Design Drivers of Health and Nutrition” award mula sa World Health Organization.
Kinilala naman bilang 2025 Green Banner Seal of Compliance Awardee ang lungsod ng National Nutrition Council dahil sa mga programang nakatuon sa pagpapabuti sa nutrisyon at kalusugan ng QCitizens.
Maraming salamat sa mga pagkilalang ito. Magsisilbi itong inspirasyon ng Quezon City Government upang patuloy na palakasin ang mga inisyatiba at programang pangkalusugan sa lungsod.






