Kinilala ng Department of Health NCR ang pamahalaang lungsod dahil sa pagkamit ng 100.63% vaccination coverage. Para ito sa target eligible population ng Measles Rubella and Oral Poliovirus Vaccine (MR-OPV) Supplemental Immunization Activity. Nagkamit naman ng 81.09% ang QC para sa intensive phase ng MR-OVP Immunization Activity.
Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang certificates kasama si Dr. Esperanza Arias ng City Health Department.