Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng spraying, misting, fogging, at larviciding ng mga tauhan ng Quezon City Health Department upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod.

Ngayong araw, nag-ikot sa iba-ibang barangay at paaralan ang mga tauhan ng Environmental Sanitation Division, kasama ang mga QCHD-trained barangay personnel, upang puksain ang mga pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Kabilang sa mga pinuntahan ng mga tauhan ng QCHD ang Holy Spirit Elementary School, Raymundo Elementary School sa Brgy. Payatas, Novaliches High School sa Brgy. San Agustin, at Pabasa St. sa Brgy. Greater Lagro.

I-follow ang Facebook page ng @Quezon City Health Department Official at Quezon City Epidemiology & Surveillance Division para sa iba pang updates ukol sa dengue.

+69