Dinala ng Quezon City Health Department ang medical caravan sa Brgy. Paligsahan kahapon, September 14, upang maghatid ng iba-ibang serbisyong medikal.

Mahigit 60 QCitizens ang nakatanggap ng mga serbisyo tulad ng medical consultation, dental oral examination, libreng maintenance medicines, vitamins at bakuna.

Nabigyan din ng routine immunization ang 23 babies habang 17 senior citizens naman ang nakatanggap ng pneumococcal at flu vaccines.

Ang programa ay isinagawa bilang pakikiisa sa Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat (LAB for all) program, na bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni President Ferdinand Marcos Jr.

#HBDPBBM

#LABForAll

#BagongPilipinas

+7