Sinisiguro ng Quezon City Health Department (QCHD) na alaga at malusog ang mga QCitizen sa evacuation centers.
Nagbibigay ng libreng gamot at konsultasyon ang mga doktor ng QCHD sa mga residenteng pansamantalang nanunuluyan sa evacuation areas.
May doxycycline naman para sa mga residenteng lumusong sa baha.
Tinitiyak din ng QCHD na malinis ang tubig sa evacuation centers, sa pamamagitan ng pag-inspect ng water and sanitation hygiene facilities.
Bukas ang lahat ng health centers sa lungsod para agad na tumugon sa pangangailangan ng mga residente, lalo na ngayong tag-ulan.
Mayroon ding counselling para sa evacuees.




