Kinakalinga ng medical personnel at healthcare workers ang mga QCitizen na pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa lungsod.
Tinitiyak nila na malusog at walang sakit ang mga evacuee, sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng check-up at libreng gamot.
Binibigyan din ng doxycycline ang mga residenteng hindi naiwasang lumusong sa baha, at na-expose sa maruming tubig.
Para sa anumang emergency, tumawag sa Helpline 122.








