Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Namahagi ang Quezon City Health Department ng doxycycline sa mga residente at manggagawang hindi naiwasang lumusong sa baha.
Nagtungo ang mga healthcare worker sa mga komunidad, at palengke para mamahagi ng gamot. Namahagi rin sila ng supply sa mga health center at evacuation sites.
Ang doxycycline ay gamot panlaban sa leptospirosis, na nakukuha sa tubig na kontaminado ng ihi ng daga. May sugat man o wala, kailangang uminom ng doxycycline ang sinumang lumusong sa baha.
Bukas naman ang mga health center para sa lahat ng residenteng nais makakuha ng doxycycline.










