Nagsagawa ang Quezon City Health Department (QCHD) ng libreng dental services para sa mga QCitizen sa Barangay San Antonio kaninang umaga.

Aabot sa 150 residente ang nabigyan ng libreng serbisyo, kabilang ang oral exam, oral prophylaxis, tooth extraction, at permanent & temporary fillings. Nagkaroon din ng lecture tungkol sa tamang pangangalaga ng ngipin.

Ang programa ay isinagawa bilang pakikiisa sa Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat (LAB for all) program kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ni President Ferdinand Marcos Jr.

#HBDPBBM

#LABForAll

#BagongPilipinas

+8