Naghandog ng medical at dental mission ang Quezon City Health Department sa mga QCitizen ng Barangay Nagkaisang Nayon ngayong araw.
Nasa 100 residente ang nakatanggap ng libreng laboratory services, oral exam, oral prophylaxis, tooth extraction, permanent & temporary fillings, at lectures mula sa QC Health Department. Nag-abot din ng iba-ibang programa at serbisyo ang mga konsehal ng ikalimang distrito.
Ang programa ay bahagi ng Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat (LAB for all) program na kasabay ng selebrasyon ng kaarawan ni President Ferdinand Marcos Jr.