Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na tumugon ang Quezon City Health Department sa mga pangangailangang medikal ng mga nasunugan sa Barangay Greater Lagro kagabi.
Nagbigay ang health team, sa pangunguna ng mga healthcare worker ng Greater Lagro Health Center ng first aid and medical consultations,
mga gamot, mental health and psychological support, at basic nutrition in emergencies sa mga biktimang pansamantalang nanunuluyan sa Barangay Multi-Purpose Covered Parking Area.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang QCHD sa barangay at sa iba pang tanggapan ng lungsod para masigurong sapat ang mga serbisyong pangkalusugan ang natatanggap ng mga evacuee.










