Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Tuloy-tuloy ang suporta ng Quezon City Health Department sa mga residenteng biktima ng sunog sa NIA road, Barangay Pinyahan noong Biyernes.
Bukod sa pagbibigay ng gamot at pagtugon sa mga natamong sugat ng mga biktima, nagsasagawa rin ng lecture tungkol sa oral health ang mga dentista at health worker ng lokal na pamahalaan.
May nakatalaga ring doktor sa pitong evacuation sites, para agad na matugunan ang lahat ng pangangailangang medikal ng mga evacuee.








