Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na tumugon ang Quezon City Health Department (QCHD) sa mga pangangailangang medikal ng mga biktima ng sunog kagabi sa NIA road, Barangay Pinyahan.
Binigyan ng paunang lunas ang mga indibidwal na nasugatan. Binigyan din ng gamot at vitamins ang iba pang residenteng pansamantalang namamalagi sa mga evacuation center.
Sinisiguro rin ng QCHD na malinis ang tubig na iniinom at ginagamit ng mga evacuees.








