Nakiisa ang Quezon City Government sa selebrasyon ng National Oral Health Month kahapon, February 5.

Sinimulan ng QC ang selebrasyon sa pamamagitan ng toothbrushing drill para sa mga daycare student, kasama sina Vice Mayor Gian Sotto, mga konsehal, at Quezon City Health Department, katuwang ang Manila Water.

Nasa 130 QCitizens din ang nabigyan ng libreng dental services sa QC Dental Bus.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng aktibidad ang lungsod ka-partner ang Children International upang ituro sa mga batang QCitizen kung paano ang tamang pangangalaga sa ngipin.

Ang paggunita sa Oral Health month ay naglalayong palawigin pa ang kaalaman ng mga mamamayan sa kahalagahan ng pagpapanatili ng good oral health.

+9