Dapat Ready ang Quezon City!

Bilang paghahanda sa mga kritikal na sitwasyon, katulad ng pandemya, pinangunahan ng Quezon City Health Department ang ‘Stakeholders’ Symposium’ na ginanap ngayong araw.

Ito ay upang bigyan ng sapat na kaalaman ang mga departamento ng lungsod, stakeholders at organizations kung ano ang maaaring maging hakbang para maaksyunan ang mga problemang pangkalusugan.

Hangad din ng symposium na hikayatin ang mga residente ng lungsod na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang tiyakin ang malusog na QC.

+14