Isang karangalan para sa Quezon City Health Network (QCHN)! ![]()
Kinilala ng Department of Health (DOH) ang sama-samang pagsisikap ng Quezon City General Hospital (QCGH), Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH), Novaliches District Hospital (NDH), at Quezon City Health Department (QCHD) dahil sa mahusay na serbisyo at malaking kontribusyon sa Expanded Newborn Screening Program.
Ang newborn screening ay mahalaga upang maagang matukoy ang mga kondisyong maaaring makaapekto sa kalusugan at paglaki ng isang sanggol. Sa maagang pagtukoy, mas maaga ring maibibigay ang kinakailangang gamutan at pangangalaga.
Bukod dito, tumanggap din ng mga espesyal na parangal ang mga sumusunod:
Rosario Maclang Bautista General Hospital (RMBGH) – Top Performing Newborn Screening Facility
Novaliches District Hospital (NDH) – Outstanding Newborn Screening Satellite Clinic
Batasan Lying-in Clinic – Top Performing Newborn Screening Facility
Ang mga pagkilalang ito ay bunga ng pagtutulungan ng mga doktor, nurse, medical technologist, at iba pang kawani ng ating mga ospital at health facilities.
Iginawad ang mga parangal ngayong araw sa Diamond Hotel, Manila, sa pagdiriwang ng DOH ng “30 Years, Countless Lives: Celebrating the Champions of Newborn Screening”.
Congratulations sa lahat ng bumubuo ng QCHN!










