Daan-daang healthcare workers sa Quezon City ang sumailalim sa orientation ng Quezon City General Hospital (QCGH) at QC Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) tungkol sa Monkeypox (MPOX).
Ibinahagi ng mga eksperto kung ano ang MPOX, at ano ang protocol ng lungsod sa pagre-report at pagtugon dito, sakaling magkaroon ng kaso.
Ang orientation ay isinagawa para mai-streamline at maging isa ang paraan ng healthcare institutions sa pagha-handle ng MPOX cases.