Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QCitizens, alam n’yo ba na ang paghahanda laban sa epekto ng matinding init ay bahagi ng pangkabuuang climate action strategy ng Quezon City? ![]()
![]()
Alinsunod sa mga estratehiyang nakasaad sa Enhanced Local Climate Change Action Plan (LCCAP) ng lungsod, itinatag ng QC ang kauna-unahang Heat Action Team (QC-HAT) sa Pilipinas.
Pangungunahan ng QC-HAT ang mga programa at polisiyang magpapalakas ng heat resilience ng lungsod at tutugon sa mga panganib dulot ng extreme heat.
Kilalanin ang mga opisyal ng QC-HAT at alamin ang kanilang mga tungkulin para maging #QCHeatReady.







