Iba-ibang isyu sa pabahay at katiyakan sa paninirahan ang tinalakay sa Quezon City Housing Board meeting ngayong hapon.
Nagsilbing presiding officer sa pulong si Mayor Joy Belmonte, na dinaluhan ng mga kinatawan ng mga sektor, at ahensya ng lokal at pambansang pamahalaan.
Ipinaliwanag sa meeting ang mga proyektong pabahay ng lungsod, at kung paano ito masisigurong maayos, ligtas, at abot-kaya para sa mga QCitizen.