Upang itaguyod ang kahalagahan ng breastfeeding sa karatig-lugar ng lungsod, nakipagtulungan ang Quezon City Government sa Valenzuela City Government para sa milk-letting drive.
Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng Women’s Month at ika-8 anibersaryo ng Quezon City Human Milk Bank.
Sa milk-letting drive noong Martes, nakakolekta ang Quezon City Human Milk Bank ng 11,550 ml na human milk mula sa 136 lactating moms mula sa Valenzuela City.
Ang mga nakolektang gatas ay makakatulong para sa mga sanggol na may sakit sa iba-ibang ospital at lungsod sa Pilipinas.
Kabilang sa nakiisa sa milk-letting program sina Dr. Lesley Villanos, Dr. Shahani Duque, at Dr. Amelita Guzon mula Quezon City General Hospital, at Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, Ms Tiffany Princess Gatchalian, Dr. Marthony Basco, at Kagawad Lourdes D. Sabino ng Barangay General Tiburcio de Leon mula sa Valenzuela City.
Noong nakaraang taon, umabot na sa 3,396 babies mula sa iba-ibang lungsod at munisipalidad ang natulungan ng QC Human Milk Bank.