Namahagi ng masustansyang pagkain gaya ng arroz caldo at nilagang itlog ang mga kinatawan mula sa Quezon City Jail Female Dormitory (QCJFD) sa 35 pamilya sa Agham Road.
Binasahan din ng libro ang mga bata upang ituro sa kanila ang kahalagahan ng pagbabasa.
Nagsagawa rin ng Read-A-Book Activity ang mga Persons Deprived of Liberty. Gamit ang mga pop-up at makukulay na libro, natuturuan ng mga inang nasa pangangalaga ng pasilidad ang kanilang mga anak ng pagbabasa.