Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
NGAYON, BUKAS, AT MAGPAKAILANMAN! ![]()
![]()
![]()
Hindi naging hadlang ang pagkapiit sa pag-iibigan ng limang Persons Deprived of Liberty (PDLs) at kanilang karelasyon matapos ang idinaos na wedding ceremony sa loob ng Quezon City Jail – Male Dormitory (QCJMD) ngayong Sabado.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsilbing officiating officer si Mayor Joy Belmonte upang pagtibayin ang pag-iibigan ng mga magsing-irog na PDLs.
Nakibahagi sa seremonya bilang mga ninong at ninang ng mga ikinasal sina QCJMD Warden JSUPT. Maria Lourdes Pacion, Sister Merriam Bagasan, Jecel Pascual, at District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro.










